58“Narinig po naming sinabi niya, ‘Gigibain ko ang Templong ito na gawa ng tao, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng ibang Templo na hindi gawa ng tao!’ ”
59Ngunit hindi rin magkakatugma ang sinasabi nila.
60Tumayo sa gitna ang punong pari at tinanong si Hesus, “Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na ito laban sa iyo?”
61Ngunit nanatiling walang imik si Hesus at hindi sumagot. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Kapuri-puring Diyos?”
62Sumagot si Hesus, “Ako nga siya, at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos. At makikita rin ninyo siya sa mga ulap na paparating dito sa mundo.”