Marcos 15

Alam ni Pilato na pagkainggit ang nagtulak sa mga namamahalang pari na dalhin sa kanya si Hesus.

Mark 15:10 (UKJV) For he knew that the chief priests had delivered him for envy.

8Marami ang lumapit kay Pilato at hiniling na gawin muli ang nakaugaliang pagpapalaya ng bilanggo.

9Kaya tinanong sila ni Pilato, “Gusto nʼyo bang palayain ko ang hari ng mga Hudyo?”

10Alam ni Pilato na pagkainggit ang nagtulak sa mga namamahalang pari na dalhin sa kanya si Hesus.

11Subalit sinulsulan ng mga namamahalang pari ang mga tao na si Barabas ang hilinging palayain at hindi si Hesus.

12Nagtanong ulit si Pilato sa mga tao, “Ano ngayon ang gagawin ko sa taong ito na tinatawag nʼyong hari ng mga Hudyo?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.