Marcos 15

At paulit-ulit nilang pinaghahampas ng talahib ang kanyang ulo, at pinagduduraan nila siya. Lumuhod sila sa kanya na kunwari ay sumasamba sa kanya.

Mark 15:19 (UKJV) And they stroke him on the head with a reed, and did spit upon him, and bowing their knees worshipped him.

17Sinuotan nila si Hesus ng kapa na kulay ube at gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya.

18Pagkatapos, pakutya silang nagsisigaw, “Mabuhay ang hari ng mga Hudyo!”

19At paulit-ulit nilang pinaghahampas ng talahib ang kanyang ulo, at pinagduduraan nila siya. Lumuhod sila sa kanya na kunwari ay sumasamba sa kanya.

20Matapos nilang kutyain si Hesus, hinubad nila ang kulay ubeng kapa at ipinasuot ang kanyang damit. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod upang ipako sa krus.

21Isang taong nagngangalang Simon ang nakasalubong nila. Siyaʼy galing sa Cirene. Siya ang ama nina Alejandro at Rufo. Sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.