18Pagkatapos, pakutya silang nagsisigaw, “Mabuhay ang hari ng mga Hudyo!”
19At paulit-ulit nilang pinaghahampas ng talahib ang kanyang ulo, at pinagduduraan nila siya. Lumuhod sila sa kanya na kunwari ay sumasamba sa kanya.
20Matapos nilang kutyain si Hesus, hinubad nila ang kulay ubeng kapa at ipinasuot ang kanyang damit. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod upang ipako sa krus.
21Isang taong nagngangalang Simon ang nakasalubong nila. Siyaʼy galing sa Cirene. Siya ang ama nina Alejandro at Rufo. Sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.
22Pagkatapos, dinala nila si Hesus sa lugar na tinatawag na Golgota (na ang ibig sabihin ay “lugar ng bungo”).