2Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsabi.”
3Naglabas ng kung ano-anong akusasyon ang mga namamahalang pari laban kay Hesus.
4Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, “Wala ka bang sagot sa mga paratang nilang ito? Marami silang paratang laban sa iyo!”
5Ngunit hindi pa rin sumagot si Hesus, kaya nagtaka si Pilato.
6Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, nakaugalian na ni Pilato na magpalaya ng isang bilanggo na gustong palayain ng mga tao.