Marcos 16

Pinuntahan ni Maria ang mga alagad ni Hesus na nagluluksa at umiiyak, at ibinalita niya ang mga pangyayari.

Mark 16:10 (UKJV) And she went and told them that had been with him, as they mourned and wept.

8Kaya lumabas sa libingan ang mga babae at tumakbo dahil sa matinding takot. Wala silang pinagsabihan, dahil takot na takot sila. [

9Maagang-maaga pa nang araw ng Linggo nang nabuhay si Hesus. Una siyang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. Siya ang babaeng may pitong demonyo na pinalayas ni Hesus.

10Pinuntahan ni Maria ang mga alagad ni Hesus na nagluluksa at umiiyak, at ibinalita niya ang mga pangyayari.

11Ngunit nang sabihin niyang buháy si Hesus at nakita niya mismo, hindi nila siya pinaniwalaan.

12Pagkatapos noon, nagpakita rin si Hesus sa dalawa pa niyang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang anyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.