Marcos 16

Pagkatapos noon, nagpakita rin si Hesus sa dalawa pa niyang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang anyo.

Mark 16:12 (UKJV) After that he appeared in another form unto two of them, as they walked, and went into the country.

10Pinuntahan ni Maria ang mga alagad ni Hesus na nagluluksa at umiiyak, at ibinalita niya ang mga pangyayari.

11Ngunit nang sabihin niyang buháy si Hesus at nakita niya mismo, hindi nila siya pinaniwalaan.

12Pagkatapos noon, nagpakita rin si Hesus sa dalawa pa niyang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang anyo.

13Kaya bumalik sa Jerusalem ang dalawa at ibinalita sa kanilang mga kasamahan na nagpakita sa kanila si Hesus. Ngunit hindi rin naniwala ang mga ito.

14Sa bandang huli, nagpakita rin si Hesus sa labing-isa niyang alagad habang kumakain ang mga ito. Pinagsabihan niya sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at sa katigasan ng kanilang puso, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya matapos siyang mabuhay muli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.