Marcos 16

Sa bandang huli, nagpakita rin si Hesus sa labing-isa niyang alagad habang kumakain ang mga ito. Pinagsabihan niya sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at sa katigasan ng kanilang puso, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya matapos siyang mabuhay muli.

Mark 16:14 (UKJV) Afterward he appeared unto the eleven as they sat at food, and upbraided them with their unbelief and hardness of heart, because they believed not them which had seen him after he was risen.

12Pagkatapos noon, nagpakita rin si Hesus sa dalawa pa niyang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang anyo.

13Kaya bumalik sa Jerusalem ang dalawa at ibinalita sa kanilang mga kasamahan na nagpakita sa kanila si Hesus. Ngunit hindi rin naniwala ang mga ito.

14Sa bandang huli, nagpakita rin si Hesus sa labing-isa niyang alagad habang kumakain ang mga ito. Pinagsabihan niya sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at sa katigasan ng kanilang puso, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya matapos siyang mabuhay muli.

15Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao.

16Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.