Marcos 2

Sumagot si Hesus, “Nag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila puwedeng mag-ayuno.

Mark 2:19 (UKJV) And Jesus said unto them, Can the children of the bride-chamber fast, while the bridegroom is with them? as long as they have the bridegroom with them, they cannot fast.

17Narinig iyon ni Hesus kaya sinagot niya ang mga ito, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

18Nang minsang nag-aayuno ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at mga Pariseo, may mga taong lumapit kay Hesus at nagtanong, “Bakit hindi nag-aayuno ang iyong mga alagad, hindi tulad ng mga alagad ni Juan at ng mga Pariseo?”

19Sumagot si Hesus, “Nag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila puwedeng mag-ayuno.

20Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”

21Sinabi pa ni Hesus, “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit. Kapag ginawa ito, mahihila ng bagong tela ang damit at lalo pang lalaki ang punit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.