Marcos 3

Dumating naman ang ina at mga kapatid ni Hesus. Habang nakatayo sila sa labas, ipinatawag nila siya.

Mark 3:31 (UKJV) There came then his brethren and his mother, and, standing without, sent unto him, calling him.

29Ngunit ang sinumang magsasalita ng kalapastanganan sa Banal na Espiritu ay hinding-hindi mapapatawad. Ang kasalanang ito ay mananatili sa kanya magpakailanman.”

30Sinabi iyon ni Hesus dahil sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Sinasapian siya ng masamáng espiritu.”

31Dumating naman ang ina at mga kapatid ni Hesus. Habang nakatayo sila sa labas, ipinatawag nila siya.

32Maraming tao ang nakaupo sa palibot niya noon, at may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ipinapatawag kayo.”

33Sumagot si Hesus, “Sino ang aking ina at mga kapatid?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.