Marcos 4

Sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga,

Mark 4:11 (UKJV) And he said unto them, Unto you it is given to know the mystery of the kingdom of God: but unto them that are without, all these things are done in parables:

9Pagkatapos, sinabi ni Hesus, “Makinig ang sinumang may pandinig!”

10Pagkaalis ng mga tao, tinanong siya ng labindalawang alagad at ng iba pang mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon.

11Sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga,

12nang sa gayon, ‘Makita man nilaʼy hindi pa rin nila maiintindihan Marinig man nilaʼy hindi pa rin nila mauunawaan. Sapagkat kung makakaunawa sila, magbabalik-loob sila sa akin at silaʼy aking patatawarin.’”

13Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung hindi ninyo nauunawaan ang talinghagang ito, paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinghaga?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.