Marcos 4

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung hindi ninyo nauunawaan ang talinghagang ito, paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinghaga?

Mark 4:13 (UKJV) And he said unto them, Know all of you not this parable? and how then will all of you know all parables?

11Sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga,

12nang sa gayon, ‘Makita man nilaʼy hindi pa rin nila maiintindihan Marinig man nilaʼy hindi pa rin nila mauunawaan. Sapagkat kung makakaunawa sila, magbabalik-loob sila sa akin at silaʼy aking patatawarin.’”

13Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung hindi ninyo nauunawaan ang talinghagang ito, paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinghaga?

14Ang binhing inihasik ng magsasaka ay ang salita ng Diyos.

15Ang tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos. Ngunit dumating agad si Satanas at tinangay ang salita ng Diyos na narinig nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.