Marcos 4

Ang binhing inihasik ng magsasaka ay ang salita ng Diyos.

Mark 4:14 (UKJV) The sower sows the word.

12nang sa gayon, ‘Makita man nilaʼy hindi pa rin nila maiintindihan Marinig man nilaʼy hindi pa rin nila mauunawaan. Sapagkat kung makakaunawa sila, magbabalik-loob sila sa akin at silaʼy aking patatawarin.’”

13Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung hindi ninyo nauunawaan ang talinghagang ito, paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinghaga?

14Ang binhing inihasik ng magsasaka ay ang salita ng Diyos.

15Ang tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos. Ngunit dumating agad si Satanas at tinangay ang salita ng Diyos na narinig nila.

16Gayundin ang batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi. Sila ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at kaagad itong tinanggap nang may kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.