Marcos 4

Marami pang mga talinghaga na gaya ng mga ito ang ginamit ni Hesus sa pangangaral niya sa mga tao, ayon sa abot ng kanilang pang-unawa.

Mark 4:33 (UKJV) And with many such parables spoke he the word unto them, as they were able to hear it.

31Ito ay katulad ng buto ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng mga buto.

32Ngunit kapag naitanim na at tumubo, nagiging pinakamataas ito sa lahat ng tanim, at nakakapamugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

33Marami pang mga talinghaga na gaya ng mga ito ang ginamit ni Hesus sa pangangaral niya sa mga tao, ayon sa abot ng kanilang pang-unawa.

34Hindi siya nangangaral sa mga tao nang hindi gumagamit ng talinghaga, pero kapag sila-sila na lang ng kanyang mga alagad, ipinapaliwanag niya lahat sa kanila.

35Kinagabihan, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.