Marcos 4

Hindi siya nangangaral sa mga tao nang hindi gumagamit ng talinghaga, pero kapag sila-sila na lang ng kanyang mga alagad, ipinapaliwanag niya lahat sa kanila.

Mark 4:34 (UKJV) But without a parable spoke he not unto them: and when they were alone, he expounded all things to his disciples.

32Ngunit kapag naitanim na at tumubo, nagiging pinakamataas ito sa lahat ng tanim, at nakakapamugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

33Marami pang mga talinghaga na gaya ng mga ito ang ginamit ni Hesus sa pangangaral niya sa mga tao, ayon sa abot ng kanilang pang-unawa.

34Hindi siya nangangaral sa mga tao nang hindi gumagamit ng talinghaga, pero kapag sila-sila na lang ng kanyang mga alagad, ipinapaliwanag niya lahat sa kanila.

35Kinagabihan, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.”

36Kaya iniwan nila ang mga tao at naglayag sakay ng bangkang sinakyan ni Hesus. May mga bangka ring sumunod sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.