Marcos 6

Umalis si Hesus sa lugar na iyon at umuwi sa sarili niyang bayan, kasama ang mga alagad niya.

Mark 6:1 (UKJV) And he went out from thence, and came into his own country; and his disciples follow him.

1Umalis si Hesus sa lugar na iyon at umuwi sa sarili niyang bayan, kasama ang mga alagad niya.

2Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta siya sa sinagoga at nagturo. At marami sa mga nakarinig sa kanya ang namangha. Sinabi nila, “Saan kaya niya nakuha ang mga itinuturo niyang ito? At ano ang karunungang ito na ibinigay sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga himala?

3Hindi baʼt siya ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Ang mga kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin, hindi ba?” Dahil dito, nagalit sila at hindi naniwala sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.