Marcos 6

Kapag dumating kayo sa isang bayan, manatili kayo sa tahanang nagpatuloy sa inyo hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.

Mark 6:10 (UKJV) And he said unto them, In what place whatsoever all of you enter into an house, there abide till all of you depart from that place.

8Ito ang kanyang mga bilin: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay; pagkain, balutan, o pera, maliban sa isang tungkod.

9Magsuot kayo ng sandalyas, pero huwag kayong magdala ng bihisan.

10Kapag dumating kayo sa isang bayan, manatili kayo sa tahanang nagpatuloy sa inyo hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.

11Kung may lugar na ayaw kayong tanggapin at ayaw kayong pakinggan, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa sa pag-alis ninyo, bilang babala laban sa kanila.”

12Kaya umalis ang labindalawang alagad at nangaral sa mga tao na dapat silang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.