Marcos 6

Kaya umalis ang labindalawang alagad at nangaral sa mga tao na dapat silang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan.

Mark 6:12 (UKJV) And they went out, and preached that men should repent.

10Kapag dumating kayo sa isang bayan, manatili kayo sa tahanang nagpatuloy sa inyo hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.

11Kung may lugar na ayaw kayong tanggapin at ayaw kayong pakinggan, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa sa pag-alis ninyo, bilang babala laban sa kanila.”

12Kaya umalis ang labindalawang alagad at nangaral sa mga tao na dapat silang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan.

13Pinalayas nila ang mga demonyo at pinahiran ng langis ang mga maysakit at pinagaling.

14Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Hesus dahil kilalang-kilala na siya kahit saan. May mga nagsasabi, “Siya si Juan na Tagapagbautismo na muling nabuhay, kaya nakakagawa siya ng mga himala.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.