22Nang oras na ng handaan, pumasok ang anak na babae ni Herodias at sumayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga bisita niya. Kaya sinabi ni Herodes sa dalaga, “Hingin mo ang kahit na anoʼng gusto mo at ibibigay ko saʼyo.”
23At sumumpa pa siya, “Ibibigay ko ang anumang hingin mo, kahit kalahati pa ng kaharian ko.”
24Lumabas muna ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano po ang hihingin ko?” Sumagot ito, “Hingin mo ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo.”
25Kaya dali-daling bumalik ang dalaga sa hari at sinabi, “Gusto ko pong ibigay ninyo sa akin, ngayon din, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo, na nakalagay sa isang bandehado.”
26Labis itong ikinalungkot ng hari, ngunit dahil nangako siya sa harap ng kanyang mga bisita, hindi niya ito matanggihan.