Marcos 6

Bumalik ang mga apostol na isinugo ni Hesus, at ikinuwento nila sa kanya ang lahat ng ginawa at ipinangaral nila.

Mark 6:30 (UKJV) And the apostles gathered themselves together unto Jesus, and told him all things, both what they had done, and what they had taught.

28Inilagay niya ang ulo sa bandehado at ibinigay sa dalaga, at ibinigay naman ito ng dalaga sa kanyang ina.

29Nang mabalitaan ng mga alagad ni Juan ang nangyari, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

30Bumalik ang mga apostol na isinugo ni Hesus, at ikinuwento nila sa kanya ang lahat ng ginawa at ipinangaral nila.

31Dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis, wala na silang panahon kahit kumain man lang. Kaya sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Halikayo! Punta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga.”

32Sumakay sila sa isang bangka at pumunta sa hindi mataong lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.