35Nang dapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na.
36Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.”
37Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Ibig po ba ninyong sabihin ay gagastos kami ng higit kalahating taóng sahod sa tinapay para may makain sila?”
38Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo.” Tiningnan nga nila, at sinabi kay Hesus, “Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda.”
39Pagkatapos, inutusan sila ni Hesus na paupuin nang pangkat-pangkat ang mga tao sa damuhan.