23Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya.”
24Umalis si Hesus doon at nagtungo sa isang lugar malapit sa Tiro [at Sidon]. Tumuloy siya sa isang bahay dahil ayaw niyang malaman ng mga tao na naroon siya, ngunit nalaman pa rin nila.
25Sa katunayan, nang marinig ito ng isang ina na may anak na babaeng sinasaniban ng masamáng espiritu, agad siyang pumunta at nagpatirapa sa paanan ni Hesus.
26Siya ay isang Hentil na taga-Sirofenicia. Nagmakaawa siyang palayasin ni Hesus ang demonyo sa kanyang anak.
27Ngunit sumagot si Hesus, at sinabi, “Dapat munang pakainin ang mga anak, dahil hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso.”