Marcos 7

(Ang mga Hudyo, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hanggaʼt hindi nakakapaghugas ng kamay alinsunod sa kaugalian ng kanilang mga ninuno.

Mark 7:3 (UKJV) For the Pharisees, and all the Jews, except they wash their hands often, eat not, holding the tradition of the elders.

1Isang araw, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na dumating mula sa Jerusalem at nagtipon sa paligid ni Hesus.

2Nakita nila na ang ilan sa mga alagad ni Hesus ay kumakain nang marumi ang mga kamay dahil hindi sila naghugas sa tamang paraan bago kumain.

3(Ang mga Hudyo, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hanggaʼt hindi nakakapaghugas ng kamay alinsunod sa kaugalian ng kanilang mga ninuno.

4Hindi rin sila kumakain pagkagaling nila sa palengke hanggaʼt hindi nila nagagawa ang seremonya ng paghuhugas. Marami pa silang mga kaugalian tulad ng paghuhugas ng mga kopa, pitsel at lutuang tanso.)

5Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit hindi namumuhay ayon sa kaugalian ng ating mga ninuno ang iyong mga alagad? Sa halip, kumakain silang marumi ang mga kamay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.