Marcos 7

Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito.

Mark 7:32 (UKJV) And they bring unto him one that was deaf, and had an barrier in his speech; and they plead to him to put his hand upon him.

30Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na ang sumaping demonyo.

31Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon. Nagtuloy siya sa lawa ng Galilea, at tinahak niya ang lupain ng Decapolis.

32Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito.

33Inilayo muna ni Hesus ang lalaki sa mga tao. Nang sila na lang, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos ay dumura siya at hinipo ang dila ng lalaki.

34Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, “Effata!” (na ang ibig sabihin ay “Mabuksan ka!”)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.