Marcos 7

Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, “Effata!” (na ang ibig sabihin ay “Mabuksan ka!”)

Mark 7:34 (UKJV) And looking up to heaven, he sighed, and says unto him, Ephphatha, that is, Be opened.

32Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito.

33Inilayo muna ni Hesus ang lalaki sa mga tao. Nang sila na lang, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos ay dumura siya at hinipo ang dila ng lalaki.

34Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, “Effata!” (na ang ibig sabihin ay “Mabuksan ka!”)

35Agad na nakarinig ang lalaki at nakapagsalita nang maayos.

36Binilinan naman ni Hesus ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.