12Kaya napabuntong-hininga si Hesus at sinabi, “Bakit nga ba humihingi ng tanda ang mga tao sa panahong ito? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang anumang tanda na ipapakita sa inyo.”
13Pagkatapos, iniwan niya sila. Sumakay ulit siya sa bangka at tumawid sa kabilang ibayo.
14Nakalimutan ng mga alagad ni Hesus na magdala ng tinapay. Iisa lang ang baon nilang tinapay sa bangka.
15Sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at ni Herodes.”
16Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.