Marcos 8

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at ni Herodes.”

Mark 8:15 (UKJV) And he charged them, saying, Take heed, beware of the leaven of the Pharisees, and of the leaven of Herod.

13Pagkatapos, iniwan niya sila. Sumakay ulit siya sa bangka at tumawid sa kabilang ibayo.

14Nakalimutan ng mga alagad ni Hesus na magdala ng tinapay. Iisa lang ang baon nilang tinapay sa bangka.

15Sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at ni Herodes.”

16Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.

17Alam ni Hesus kung ano ang pinag-uusapan nila kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagtatalo-talo na wala kayong dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Hindi ba ninyo ito naiintindihan? Matigas pa rin ba ang mga puso ninyo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.