Marcos 8

Nagsimulang mangaral si Hesus sa mga alagad niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At ipapapatay siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.

Mark 8:31 (UKJV) And he began to teach them, that the Son of man must suffer many things, and be rejected of the elders, and of the chief priests, and scribes, and be killed, and after three days rise again.

29Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Mesias!”

30Sinabihan sila ni Hesus na huwag nilang ipaalam kahit kanino ang tungkol sa kanya.

31Nagsimulang mangaral si Hesus sa mga alagad niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At ipapapatay siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.

32Malinaw niya itong sinabi sa kanila. Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at pinagsabihan.

33Ngunit humarap si Hesus sa mga alagad niya at saka pinagsabihan si Pedro, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Sapagkat ang iniisip moʼy hindi ayon sa kalooban ng Diyos kundi ayon sa kalooban ng tao!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.