Marcos 8

Ngunit humarap si Hesus sa mga alagad niya at saka pinagsabihan si Pedro, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Sapagkat ang iniisip moʼy hindi ayon sa kalooban ng Diyos kundi ayon sa kalooban ng tao!”

Mark 8:33 (UKJV) But when he had turned about and looked on his disciples, he rebuked Peter, saying, Get you behind me, Satan: for you savour not the things that be of God, but the things that be of men.

31Nagsimulang mangaral si Hesus sa mga alagad niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At ipapapatay siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.

32Malinaw niya itong sinabi sa kanila. Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at pinagsabihan.

33Ngunit humarap si Hesus sa mga alagad niya at saka pinagsabihan si Pedro, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Sapagkat ang iniisip moʼy hindi ayon sa kalooban ng Diyos kundi ayon sa kalooban ng tao!”

34Pagkatapos, tinawag niya ang mga tao, pati na ang mga alagad niya at sinabi sa kanila, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay dapat itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.

35Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay maililigtas ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.