Marcos 9

Sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikitang dumarating ang paghahari ng Diyos nang may kapangyarihan.”

Mark 9:1 (UKJV) And he said unto them, Verily I say unto you, That there be some of them that stand here, which shall not taste of death, till they have seen the kingdom of God come with power.

1Sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikitang dumarating ang paghahari ng Diyos nang may kapangyarihan.”

2Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus sina Pedro, Santiago at Juan at umakyat sila sa isang mataas na bundok. Sila lang ang naroon. At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo.

3Naging puting-puti at nakakasilaw tingnan ang damit niya. Walang sinuman dito sa mundo na makakapagpaputi nang katulad noon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.