Marcos 9

Naging puting-puti at nakakasilaw tingnan ang damit niya. Walang sinuman dito sa mundo na makakapagpaputi nang katulad noon.

Mark 9:3 (UKJV) And his raiment became shining, exceeding white as snow; so as no launderer on earth can white them.

1Sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikitang dumarating ang paghahari ng Diyos nang may kapangyarihan.”

2Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus sina Pedro, Santiago at Juan at umakyat sila sa isang mataas na bundok. Sila lang ang naroon. At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo.

3Naging puting-puti at nakakasilaw tingnan ang damit niya. Walang sinuman dito sa mundo na makakapagpaputi nang katulad noon.

4At nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus.

5Sinabi ni Pedro kay Hesus, “Rabbi, mabutiʼt narito tayo! Hayaan nʼyo pong gumawa kami ng tatlong kubol: isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.