9Habang pababa na sila sa bundok, pinagbilinan sila ni Hesus na huwag nilang sasabihin kahit kanino ang nakita nila hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling nabubuhay.
10Kaya hindi nila sinabi kahit kanino ang pangyayaring iyon. Ngunit pinag-usapan nila kung ano ang ibig niyang sabihin sa “muling pagkabuhay”.
11Nagtanong sila kay Hesus, “Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias?”
12Sumagot siya sa kanila, “Totoo iyan, kailangan ngang dumating muna si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Ngunit sasabihin ko sa inyo: Dumating na si Elias at ginawa ng mga tao ang gusto nilang gawin sa kanya ayon na rin sa isinulat tungkol sa kanya. Ngunit bakit isinulat din na ang Anak ng Tao ay daranas ng maraming hirap at itatakwil ng mga tao?”