Marcos 9

May isang lalaki roon na sumagot, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang anak kong lalaki na sinasaniban ng masamang espiritu kaya hindi siya makapagsalita.

Mark 9:17 (UKJV) And one of the multitude answered and said, Master, I have brought unto you my son, which has a dumb spirit;

15Namangha ang mga tao nang makita nila si Hesus, at patakbo silang lumapit at bumati sa kanya.

16Tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Ano ang pinagtatalunan ninyo?”

17May isang lalaki roon na sumagot, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang anak kong lalaki na sinasaniban ng masamang espiritu kaya hindi siya makapagsalita.

18Kapag sinasaniban siya ng masamang espiritu, itinutumba siya nito; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang mga ngipin, at pagkatapos ay naninigas ang katawan. Nakiusap ako sa mga alagad nʼyo na palayasin ang masamang espiritu, ngunit hindi po nila magawa.”

19Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan pa ako magtitiis sa inyo? Dalhin nʼyo rito ang bata!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.