Marcos 9

Kapag sinasaniban siya ng masamang espiritu, itinutumba siya nito; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang mga ngipin, at pagkatapos ay naninigas ang katawan. Nakiusap ako sa mga alagad nʼyo na palayasin ang masamang espiritu, ngunit hindi po nila magawa.”

Mark 9:18 (UKJV) And where ever he takes him, he tears him: and he foams, and gnashes with his teeth, and pins away: and I spoke to your disciples that they should cast him out; and they could not.

16Tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Ano ang pinagtatalunan ninyo?”

17May isang lalaki roon na sumagot, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang anak kong lalaki na sinasaniban ng masamang espiritu kaya hindi siya makapagsalita.

18Kapag sinasaniban siya ng masamang espiritu, itinutumba siya nito; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang mga ngipin, at pagkatapos ay naninigas ang katawan. Nakiusap ako sa mga alagad nʼyo na palayasin ang masamang espiritu, ngunit hindi po nila magawa.”

19Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan pa ako magtitiis sa inyo? Dalhin nʼyo rito ang bata!”

20Kaya dinala nila ang bata kay Hesus. Nang makita ng masamang espiritu si Hesus, pinangisay niya ang bata, itinumba, at pinagulong-gulong sa lupa na bumubula ang bibig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.