Marcos 9

Sinagot sila ni Hesus, “Ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin.”

Mark 9:29 (UKJV) And he said unto them, This kind can come forth by nothing, but by prayer and fasting.

27Ngunit hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at ibinangon, at tumayo ang bata.

28Nang pumasok na sina Hesus sa bahay na tinutuluyan nila, tinanong siya ng mga alagad niya nang mapag-isa na lamang sila, “Bakit hindi po namin mapalayas ang masamang espiritu?”

29Sinagot sila ni Hesus, “Ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin.”

30Umalis sila sa lugar na iyon at dumaan sa Galilea. Ayaw ni Hesus na malaman ng mga tao na naroon siya,

31dahil tinuturuan niya ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga taong papatay sa kanya. Papatayin nila siya, ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.