Marcos 9

dahil tinuturuan niya ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga taong papatay sa kanya. Papatayin nila siya, ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.”

Mark 9:31 (UKJV) For he taught his disciples, and said unto them, The Son of man is delivered into the hands of men, and they shall kill him; and after that he is killed, he shall rise the third day.

29Sinagot sila ni Hesus, “Ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin.”

30Umalis sila sa lugar na iyon at dumaan sa Galilea. Ayaw ni Hesus na malaman ng mga tao na naroon siya,

31dahil tinuturuan niya ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga taong papatay sa kanya. Papatayin nila siya, ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.”

32Subalit hindi nila naunawaan ang sinabi niya, at takot naman silang magtanong sa kanya tungkol dito.

33Dumating sila sa Capernaum. At nang nasa bahay na sila, tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo kanina sa daan?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.