Marcos 9

Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, “Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat.”

Mark 9:35 (UKJV) And he sat down, and called the twelve, and says unto them, If any man desire to be first, the same shall be last of all, and servant of all.

33Dumating sila sa Capernaum. At nang nasa bahay na sila, tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo kanina sa daan?”

34Hindi sila sumagot, dahil ang pinagtatalunan nila ay kung sino sa kanila ang pinakadakila.

35Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, “Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat.”

36Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanila,

37“Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.