Marcos 9

“Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin.”

Mark 9:37 (UKJV) Whosoever shall receive one of such children in my name, receives me: and whosoever shall receive me, receives not me, but him that sent me.

35Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, “Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat.”

36Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanila,

37“Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin.”

38Sinabi ni Juan kay Hesus, “Guro, nakakita po kami ng taong nagpapalayas ng mga demonyo sa inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.”

39Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil walang sinumang gumagawa ng himala sa aking pangalan ang agad na makakapagsalita ng masama laban sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.