Marcos 9

Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil walang sinumang gumagawa ng himala sa aking pangalan ang agad na makakapagsalita ng masama laban sa akin.

Mark 9:39 (UKJV) But Jesus said, Forbid him not: for there is no man which shall do a miracle in my name, that can lightly speak evil of me.

37“Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin.”

38Sinabi ni Juan kay Hesus, “Guro, nakakita po kami ng taong nagpapalayas ng mga demonyo sa inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.”

39Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil walang sinumang gumagawa ng himala sa aking pangalan ang agad na makakapagsalita ng masama laban sa akin.

40Ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.

41Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang magbigay sa inyo ng kahit isang basong tubig, dahil kayo ay sa Mesias, ay tiyak na makakatanggap ng gantimpala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.