40Ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.
41Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang magbigay sa inyo ng kahit isang basong tubig, dahil kayo ay sa Mesias, ay tiyak na makakatanggap ng gantimpala.
42“Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat.
43Kung ang kamay mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mas mabuti pang isa lang ang kamay mo pero makakamtan mo ang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa ang kamay mo pero sa impiyerno ka naman mapupunta, kung saan ang apoy ay hindi namamatay. [
44Kung saan ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi napapawi.]