42“Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat.
43Kung ang kamay mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mas mabuti pang isa lang ang kamay mo pero makakamtan mo ang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa ang kamay mo pero sa impiyerno ka naman mapupunta, kung saan ang apoy ay hindi namamatay. [
44Kung saan ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi napapawi.]
45Kung ang isa mong paa ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pang iisa lang ang iyong paa mo ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa nga ang iyong paa ngunit itatapon ka naman sa impiyerno. [
46Kung saan ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi napapawi.]