47At kung ang isa mong mata ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito! Mas mabuti pang iisa lang ang iyong mata ngunit mapapabilang ka sa kaharian ng Diyos, kaysa sa dalawa nga ang iyong mata ngunit itatapon ka naman sa impiyerno,
48kung saan ‘ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi napapawi.’
49Sapagkat ang lahat ng tao ay lilinisin sa pamamagitan ng apoy tulad ng isang alay na dinadalisay ng asin.
50“Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Dapat maging tulad kayo ng asin na kapaki-pakinabang, at mamuhay kayong may kapayapaan sa isaʼt isa.”