Mateo 10

“May mga taong ipagkakanulo ang kanilang kapatid para ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay.

Matthew 10:21 (UKJV) And the brother shall deliver up the brother to death, and the father the child: and the children shall rise up against their parents, and cause them to be put to death.

19At kapag dinala kayo sa hukuman, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin nʼyo o kung paano kayo sasagot. Ipapaalam sa sandaling iyon kung ano ang sasabihin ninyo,

20sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

21“May mga taong ipagkakanulo ang kanilang kapatid para ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay.

22Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Subalit ang mananatiling matatag sa pananampalataya hanggang sa wakas ay maliligtas.

23Kapag inuusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa man ninyo nalilibot ang lahat ng bayan ng Israel ay babalik na ang Anak ng Tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.