21“May mga taong ipagkakanulo ang kanilang kapatid para ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay.
22Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Subalit ang mananatiling matatag sa pananampalataya hanggang sa wakas ay maliligtas.
23Kapag inuusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa man ninyo nalilibot ang lahat ng bayan ng Israel ay babalik na ang Anak ng Tao.
24“Walang mag-aaral na higit sa kanyang guro, walang aliping higit sa kanyang amo.
25Sapat na sa isang mag-aaral na maging katulad ng kanyang guro, at sa alipin na maging katulad ng kanyang amo. Kung ang pinuno ng sambahayan ay tinatawag nilang Satanas, gaano pa kaya kasamâ ang itatawag nila sa mga kasambahay nito?