Mateo 10

Sapat na sa isang mag-aaral na maging katulad ng kanyang guro, at sa alipin na maging katulad ng kanyang amo. Kung ang pinuno ng sambahayan ay tinatawag nilang Satanas, gaano pa kaya kasamâ ang itatawag nila sa mga kasambahay nito?

Matthew 10:25 (UKJV) It is enough for the disciple that he be as his master, and the servant as his lord. If they have called the master of the house Beelzebub, how much more shall they call them of his household?

23Kapag inuusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa man ninyo nalilibot ang lahat ng bayan ng Israel ay babalik na ang Anak ng Tao.

24“Walang mag-aaral na higit sa kanyang guro, walang aliping higit sa kanyang amo.

25Sapat na sa isang mag-aaral na maging katulad ng kanyang guro, at sa alipin na maging katulad ng kanyang amo. Kung ang pinuno ng sambahayan ay tinatawag nilang Satanas, gaano pa kaya kasamâ ang itatawag nila sa mga kasambahay nito?

26“Kaya huwag kayong matakot sa mga taong ito. Sapagkat walang natatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag.

27Ang mga sinasabi ko lamang sa inyo na walang nakarinig ay ipaalam ninyo sa mga tao; ang mga ibinubulong ko sa inyo ay ipahayag ninyo sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.