Mateo 10

si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.

Matthew 10:4 (UKJV) Simon the Canaanite, and Judas Iscariot, who also betrayed him.

2Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simon (na tinatawag ding Pedro), at ang kanyang kapatid na si Andres, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo,

3si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo,

4si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.

5Ang labindalawang itoʼy sinugo ni Hesus at binilinan, “Huwag kayong pupunta sa mga Hentil o papasok sa alinmang bayan ng mga Samaritano.

6Sa halip, puntahan ninyo ang sambayanang Israel dahil sila ay parang mga nawawalang tupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.