3si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo,
4si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.
5Ang labindalawang itoʼy sinugo ni Hesus at binilinan, “Huwag kayong pupunta sa mga Hentil o papasok sa alinmang bayan ng mga Samaritano.
6Sa halip, puntahan ninyo ang sambayanang Israel dahil sila ay parang mga nawawalang tupa.
7Ipahayag ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Langit.