Mateo 11

Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay dumaranas ng matinding pag-atake mula sa mga mararahas na taong sumasalungat dito.

Matthew 11:12 (UKJV) And from the days of John the Baptist until now the kingdom of heaven suffers violence, and the violent take it by force.

10Siya ang binabanggit ng Diyos sa Kasulatan: ‘Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo para ihanda ang dadaanan mo.’

11Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan na Tagapagbautismo. Ngunit ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Langit ay mas dakila pa sa kanya.

12Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay dumaranas ng matinding pag-atake mula sa mga mararahas na taong sumasalungat dito.

13Sapagkat bago pa dumating si Juan, ang lahat ng isinulat ng mga propeta at ang Kautusan ay nagpahayag tungkol sa kaharian ng Diyos.

14At kung naniniwala kayo sa mga pahayag nila, si Juan na nga ang Elias na inaasahan ninyong darating.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.