Mateo 11

At kung naniniwala kayo sa mga pahayag nila, si Juan na nga ang Elias na inaasahan ninyong darating.

Matthew 11:14 (UKJV) And if all of you will receive it, this is Elijah, which was in order to come.

12Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay dumaranas ng matinding pag-atake mula sa mga mararahas na taong sumasalungat dito.

13Sapagkat bago pa dumating si Juan, ang lahat ng isinulat ng mga propeta at ang Kautusan ay nagpahayag tungkol sa kaharian ng Diyos.

14At kung naniniwala kayo sa mga pahayag nila, si Juan na nga ang Elias na inaasahan ninyong darating.

15Makinig ang sinumang may pandinig!

16“Sa anong bagay ko maihahambing ang henerasyong ito? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa na nagrereklamo sa kanilang mga ibang kalaro:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.