Mateo 11

Nang oras ding iyon, sinabi ni Hesus, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, at ipinaalam mo sa mga taong tulad ng bata sa kaalaman.

Matthew 11:25 (UKJV) At that time Jesus answered and said, I thank you, O Father, Lord of heaven and earth, because you have hid these things from the wise and prudent, and have revealed them unto babes.

23At kayo namang mga taga-Capernaum, akala ba ninyoʼy itataas kayo sa langit upang parangalan? Hindi! Ibababa kayo sa mundo ng mga patay para itapon. Sapagkat kung sa Sodoma nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, nananatili pa sana ang lugar na iyon hanggang ngayon.

24Kaya sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Sodoma.”

25Nang oras ding iyon, sinabi ni Hesus, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, at ipinaalam mo sa mga taong tulad ng bata sa kaalaman.

26Oo, Ama, dahil iyon ang kalooban mo.

27“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais ng Anak na makakilala sa Ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.